Pricetagg – Triangulo

Pricetagg Triangulo

Pricetagg – Triangulo Lyrics

Artist: Pricetagg
Song: Triangulo

Anong nangyayari? Anong intensyon?
Bakit may problema na wala ng solusyon?
‘Di marunong magtiwala may sariling proteksyon
Na buhay para mamatay pwes anong aking misyon

Mga pangakong nasa pwesto ‘di na maintay
Sa hirap magkapera tatarget maghihimay
Palaboy na bata ‘di nakaranas ng gabay
Bumawi ng buhay ‘wag lang matawag na hinay

Imbes na tulungan kukuhanan ng larawan
Basura na tinapon ‘pag ‘di ka na kailangan
Sarado ang bibig ‘pag madaming nalalaman
Nagkalat ang bangkay pero walang mga pangalan na

Sino ba’ng nagsasabi ng totoo?
Sila ba’y totoong may pake sa’yo
Sa baba, mga tao nagkagulo
Ang yumayaman ay tutok ang triangulo

Sa mundo ay lahat nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?

Tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
Sistema’t sitwasyon hindi na magbabago
Daming may sobra pero daming may kailangan
‘Asan ang pag-asa kung wala kang aasahan

May nakapatay kasi kailangan niyang lumaban
May nakukulong kahit hindi niya kasalanan
Nakatakip ang tenga, pa’no pa pakikinggan
Nagbubulag-bulagan at may kita lang sa kitaan

Puno mga bulsa pero utak ay walang laman
Wala ding matuwid kahit sino pa’ng dumaan
Para sa’n pa bang pinaglalaban
Binenta ang bansa nang ‘di mo nalalaman

Kapwa mo Pinoy, ‘yan ang katotohanan
Ngayon sabihin mong ikaw ay makabayan
Sino ba’ng nagsasabi ng totoo?
Sila ba’y totoong may pake sa’yo

Sa baba, mga tao nagkagulo
Ang yumayaman ay tutok ang triangulo
Sa mundo ay lahat nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago

Sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
Sistema’t sitwasyon hindi na magbabago

Sa mundo ay lahat nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?

Tanong ko lang sa’yo, kailan ang pagbabago?
Sistema’t sitwasyon hindi na nagbabago
Find more lyrics at https://dcslyrics.com

You can purchase their music thru
DCSLyrics.com Amazon Music    DCSLyrics.com Apple Music
Disclosure: As an Amazon Associate and an Apple Partner, we earn from qualifying purchases

Pricetagg Lyrics – Triangulo

Please support our site by sharing it.
And please follow our site to get the latest lyrics for all your favourite songs.

Release Year: 2022